Whole-of-gov’t approach sa pagtugon sa La Niña, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtutulungan ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan at mga LGU, na sama-samang paghandaan ang pagpasok ng La Niña sa bansa. Sa distribusyon ng financial assistance sa Maguindanao del Sur, sinabi ng Pangulo na inaasahan na ang paghupa ng matinding init sa bansa, kasabay ng pagpasok ng tag-ulan.… Continue reading Whole-of-gov’t approach sa pagtugon sa La Niña, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

SSS, mas pinalawak ang serbisyo para sa mga manggagawa sa Batangas

Pinalawak na ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga serbisyo para sa mga manggagawa sa Batangas. Hindi na kailangang lumayo para sa mga transaksyon sa SSS dahil may mga bagong e-center na sa Lima Industrial Park at Lipa City Hall. Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, layon nitong mas mapalapit ang… Continue reading SSS, mas pinalawak ang serbisyo para sa mga manggagawa sa Batangas

Isang Pinoy na sakay ng Singapore Airlines, nakatakdang operahan matapos magtamo ng bali sa leeg at back injury

Patuloy na mino-monitor ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kalagayan ng limang mga Pilipinong pasahero na nasaktan matapos mag-emergency landing ang Singapore Airlines flight SQ-321 sa Bangkok, Thailand noong Martes. Ayon sa DMW, ang isang OFW na nakabase sa Singapore ay nagtamo ng bali sa leeg at injury sa likod, ay nakatakdang operahan ngayong… Continue reading Isang Pinoy na sakay ng Singapore Airlines, nakatakdang operahan matapos magtamo ng bali sa leeg at back injury

Mga panukalang batas na malabong makapasa sa Kongreso, hindi na pag-aaksayahan ng panahon ng Senado

Iginiit ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi pag-aaksayahan ng panahon ng Mataas na Kapulungan ang mga panukalang batas na hindi naman maisasabatas. Sa ngayon ay hindi pa masabi ng bagong upong senate president ang mga magiging priority bills ng Mataas na Kapulungan sa ilalim ng bagong liderato dahil pinag-aaralan pa aniya nila ito.… Continue reading Mga panukalang batas na malabong makapasa sa Kongreso, hindi na pag-aaksayahan ng panahon ng Senado

Proteksyon ng mga magsasaka, matitiyak sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill

Ikinagalak ni Senador JV Ejercito ang pagratipika ng Senado sa Bicameral Conference Committee Report ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill. Sa huling araw ng sesyon kahapon ay iprinesenta ni Senate Committee on Agriculture Chairperson Senadora Cynthia Villar ang napagkasundong bersyon ng Senate Bill 2432 at ng House Bill 3915 at saka ito naratipikahan. Ayon kay Ejercito,… Continue reading Proteksyon ng mga magsasaka, matitiyak sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill

Senate President Escudero at House Speaker Romualdez, nakatakdang mag-usap tungkol sa magiging relasyon ng dalawang kapulungan

Inaasahang sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng pagpupulong sina bagong Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero at House Speaker Martin Romualdez tungkol sa magiging relasyon ng Senado at Kamara sa ilalim ng bagong senate leadership. Kabilang sa inaasahang mapag-uusapan sa magiging pagpupulong na ito ay ang isinusulong na pag-amyenda sa economic provision ng Saligang… Continue reading Senate President Escudero at House Speaker Romualdez, nakatakdang mag-usap tungkol sa magiging relasyon ng dalawang kapulungan

Ilan pang rehiyon sa Mindanao, sunod na pupuntahan ni Pangulong Marcos Jr. bago tumungo sa Visayas at Luzon

Tinatapos na lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng presidential at government assistance sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng El Niño sa Mindanao. Matapos nito, saka mag-iikot ang Pangulo sa Visayas at Luzon. Pahayag ito ni Task Force El Niño Joey Villarama, sa gitna ng kaliwa’t kanang aktibidad ng Pangulo sa… Continue reading Ilan pang rehiyon sa Mindanao, sunod na pupuntahan ni Pangulong Marcos Jr. bago tumungo sa Visayas at Luzon

Unang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa BARMM, inilunsad sa Tawi-tawi

Balik Mindanao ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong araw. Ang ika-18 BPSF at ika-7 sa Mindanao, at pinaka una sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay ginanap sa Bongao, Tawi-tawi. Nasa 40 ahensya ng pamahalaan ang nakibahagi sa BPSF dala ang nasa 199 na serbisyo. Habang 135,000 na residente ang inaasahang maseserbisyuhan sa… Continue reading Unang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa BARMM, inilunsad sa Tawi-tawi

Mahigit 3,000 pamilya, mabebenepisyuhan ng PAMANA Projects ng DSWD sa Negros Occidental

Photo courtesy of DSWD

Aabot sa 3,240 na mga pamilya sa Escalante, Negros Occidental ang inaasahang makikinabang sa mga proyektong Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay sa ilalim ng programang KALAHI-CIDSS ng ahensya. Nagkaloob ang DSWD ng P11.4 milyon kasama ang higit P200,000 mula sa lokal na pamahalaan, para sa… Continue reading Mahigit 3,000 pamilya, mabebenepisyuhan ng PAMANA Projects ng DSWD sa Negros Occidental

Tourism Secretary Frasco, mainit na tinanggap ang mga participant sa Connections Luxury 2024 sa Boracay

Sa patuloy na pag-promote ng mga ipinagmamalaking tourism sites at mga produkto ng ating bansa. Nagtungo at nakipag meet and greet si Tourism Secretary Christina Frasco sa mga deligado ng Philippine Connections Luxury 2024. Kung saan personal na nagtalumpati ang kalihim at tiniyak ang patuloy na pagsuporta ng Tourism Department sa international buyers at Philippine… Continue reading Tourism Secretary Frasco, mainit na tinanggap ang mga participant sa Connections Luxury 2024 sa Boracay