Bentahan ng sariwang baboy sa ADC Kadiwa store, maagang pinilahan ng mga mamimili

Bukod sa murang gulay at bigas, mayroon ding maagang pila para sa bentahan ng sariwang karneng baboy sa ADC Kadiwa Store sa Elliptical Road, Quezon City ngayong araw. Dala ito ng Luntian Multipurpose Cooperative na nagbitbit ng tatlong bagong katay na baboy para ibenta sa mas murang halaga. Ayon sa naturang kooperatiba, mas mura ng… Continue reading Bentahan ng sariwang baboy sa ADC Kadiwa store, maagang pinilahan ng mga mamimili

Mambabatas, pinayuhan ang mga Pilipino na huwag paniwalaan ang ‘kwento’ ng China kaugnay sa ‘new model agreement’ sa WPS

Mas dapat pakinggan at paniwalaan ng mga Pilipino ang pahayag ng ating gobyerno. Ito ang payo ng isang mga mambabatas kaugnay pa rin sa usapin ng umano’y new model agreement sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS). Matatandaan na sa pagharap ni dating WESCOM Chief Admiral Alberto Carlos sa Senado ay… Continue reading Mambabatas, pinayuhan ang mga Pilipino na huwag paniwalaan ang ‘kwento’ ng China kaugnay sa ‘new model agreement’ sa WPS

Kamara, handang tulungan ang mga apektadong mangingisda sa Bajo de Masinloc dahil sa pagiging agresibo ng China

Pakikinggan ng mga mambabatas ang panig ng mga mangingisda sa Zambales partikular sa Bajo de Masinloc ngayong araw. Ang Public Consultation ng House Committees on National Defense and Security at Special Committee on the West Philippine Sea ay bahagi ng imbestigasyon sa umano’y “gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating administrasyon at China. Dito malayang mailalahad… Continue reading Kamara, handang tulungan ang mga apektadong mangingisda sa Bajo de Masinloc dahil sa pagiging agresibo ng China

Young guns ng Kamara, pinuri ang desisyon ni PBBM na magbalik sa lumang school calendar

Kapwa pinuri nina Assistant Majority Leaders Jay Khonghun at Paolo Ortega ang desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumalik sa lumang school calendar. Suportado ng dalawang mambabatas ang pag-apruba ng Presidente na bumalik ang school calendar sa pre-pandemic schedule. Ayon kay Khonghun, matagal na ang panawagan na makabalik sa dating school schedule ang… Continue reading Young guns ng Kamara, pinuri ang desisyon ni PBBM na magbalik sa lumang school calendar

5,000 residente ng Tawi-Tawi, naka benepisyo sa cash at rice assistance program

Limang libong benepisyaryo ng cash assistance and rice distribution program (CARD) ang nabahagian ng tulong pinansyal at bigas sa Tawi-Tawi. Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang pagpapa-abot ng tulong kasabay ng paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa probinsya. Sinabi ni Romualdez na binansagan bilang “Mr. Rice” dahil sa itinulak na programa, naisip nilang ipatupad… Continue reading 5,000 residente ng Tawi-Tawi, naka benepisyo sa cash at rice assistance program

₱8-M halaga ng non-food items, ipinadala ng OCD sa Batanes bilang paghahanda sa La Niña

Maagang nagpaabot ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes partikular na ang non-food items na nagkakahalaga ng ₱8-milyong piso. Ito, ayon sa OCD, ay upang maihanda na rin ang nabanggit na lalawigan sa inaasahang epektong dulot ng papalapit na La Niña lalo’t kilalang daanan ito ng bagyo. Kabilang sa… Continue reading ₱8-M halaga ng non-food items, ipinadala ng OCD sa Batanes bilang paghahanda sa La Niña

PNP Anti-Kidnapping Group, may paalala sa mga mahilig maglaro sa casino

Pinaalalahanan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang mga mahihilig maglaro sa Casino na umuwi na lamang kapag natatalo at iwasan ang mangutang. Ito’y upang hindi na matulad pa sa sinapit ng isang Chinese national na dinukot at ikinulong ng sarili nitong mga kababayan matapos na maibalik ang hiniram nitong pera. Ayon kay PNP… Continue reading PNP Anti-Kidnapping Group, may paalala sa mga mahilig maglaro sa casino

AFP Chief, suportado ang mga prayoridad ng Pangulong Marcos sa Tawi-Tawi

Nagpahayag ng suporta si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga prayoridad ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa lalawigan ng Tawi-Tawi. Sinamahan ni Gen. Brawner ang Pangulo sa pagbisita sa Tawi-Tawi kahapon, kung saan tiniyak ng Pangulo ang pagbibigay ng prayoridad ng kanyang administrasyon sa… Continue reading AFP Chief, suportado ang mga prayoridad ng Pangulong Marcos sa Tawi-Tawi

Mga kaso ng kidnapping, bumaba sa unang 5 buwan ng taon

Iniulat ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) na bumaba ang mga kaso ng kidnapping mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Ayon kay AKG Director Police Brigadier General Cosme Abrenica, para sa taong ito ay 18 kaso ng kidnapping ang iniulat pero lumabas na “hoax” lang ang siyam,… Continue reading Mga kaso ng kidnapping, bumaba sa unang 5 buwan ng taon