Sen. Bong Revilla at Sen. Robin Padilla, pinuri ang pagsasabatas ng Eddie Garcia Law

Itinuturing nina Senador Ramon ‘Bong’ Revilla at Senador Robin Padilla na malaking tagumpay para sa mga manggagawa ng entertainment industry ang pagiging ganap na batas ng Eddie Garcia Law (RA 11996). Kapwa pinasalamatan nina Revilla at Padilla si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpirma sa batas na layong pagbutihin ang kapakanan ng mga nasa… Continue reading Sen. Bong Revilla at Sen. Robin Padilla, pinuri ang pagsasabatas ng Eddie Garcia Law

Lokal na Pamahalaan ng Quezon City, nakahanda na sa pagpasok ng La Niña

Handa na ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa pagdating ng La Niña. Sa isinagawang QC Journalist Forum, ibinahagi ni QC Councilor Wency Lagumbay, chairperson ng Committee on Ways and Means, na natapos na ng lokal na pamahalaan ang paglilinis ng mga drainage sa lungsod upang maiwasan ang pagbaha tuwing may ulan. Mayroon din aniyang Rain… Continue reading Lokal na Pamahalaan ng Quezon City, nakahanda na sa pagpasok ng La Niña

Road Safety Action Plan, binuo ng MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan para mabawasan ang aksidente sa kalsada sa Metro Manila

Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpupulong kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan. Ito ay upang bumuo ng Metro Manila Road Safety Action Plan 2024-2028 na layong mabawasan ng 35% ang mga namamatay dahil sa aksidente sa kalsada sa Metro Manila pagdating ng 2028. Batay sa datos,… Continue reading Road Safety Action Plan, binuo ng MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan para mabawasan ang aksidente sa kalsada sa Metro Manila

Sen. Jinggoy Estrada, pinulsuhan ang mga kapwa senador tungkol sa posisyon nila sa divorce bill

Nagkasa ng sariling survey si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at pinulsuhan ang mga kapwa senador tungkol sa kanilang posisyon sa divorce bill. Sa ngayon, ayon kay Estrada ay nasa sampung mga senador pa lang ang tumutugon sa kanya. Base sa survey ni Estrada, kabilang sa mga tutol ngayon sa divorce bill ay siya,… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, pinulsuhan ang mga kapwa senador tungkol sa posisyon nila sa divorce bill

Sen. Jinggoy Estrada, ikinagalak ang pagsasabatas ng Eddie Garcia Law

Kinilala ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagsasabatas ng Republic Act 11996 o ang Eddie Garcia Law bilang mahalagang milestone sa pagprotekta at pagtataguyod ng kapakanan ng mga nasa TV at movie insutry. Ayon kay Estrada, ito ang batas an magtitiyak ng mas lligtas at maayos na working condition para sa mga nagtratrabaho… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, ikinagalak ang pagsasabatas ng Eddie Garcia Law

Sen. Escudero, nanawagang i-convene na ang Judicial Executive Legislative Advisory Council (JELAC)

Umapela si Senate President Chiz Escudero kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipatawag na ang Judicial Executive Legislative Advisory Council (JELAC) para talakayin ang mga nakabinbing batas sa Korte Suprema. Paglilinaw ni Escudero, hindi ito para impluwensyahan ang desisyon ng mga mahistrado tungkol sa mga nakabinbing kaso. Ito aniya ay para magpalabas ng desisyon… Continue reading Sen. Escudero, nanawagang i-convene na ang Judicial Executive Legislative Advisory Council (JELAC)

Dialysis package ng Philhealth, planong doblehin ang halaga

Inaaral ngayon ng Philhealth na taasan pa ang hemodialysis package nila upang maisama na rin ang erythropoetin o gamot na itinuturok kasabay ng dialysis. Ito ang inanunsyo ni Philhealth Executive Vice President and Chief Operating Officer Eli Santos kasunod ng naging pulong nila ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo. Sa kasalukuyan, sagot na ng… Continue reading Dialysis package ng Philhealth, planong doblehin ang halaga

Physician solon, naglaalala sa pagsunod ng proper hygiene at pagbabakuna para iwas Flirt variant

Nagpaalala si Iloilo Rep. Janette Garin sa publiko na ugaliin ang proper hygiene at nanawagan din sa agresibong flu at pneumonia vaccination. Ito ay sa gitna ng banta ng Flirt variant ng COVID-19. Aniya, hindi naman talaga maiiwasan na mag mutate ang virus kaya mahalaga na mapaghandaan ito. Sabi ng dating Health secretary, kailangan matiyak… Continue reading Physician solon, naglaalala sa pagsunod ng proper hygiene at pagbabakuna para iwas Flirt variant

Lebel ng tubig sa Angat Dam, Ipo Dam, at La Mesa Dam, nagdagdagan dahil sa mga pag-ulan nitong nakalipas na araw – MWSS

Inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam at Ipo Dam sa Bulacan, gayundin ang La Mesa Dam sa Quezon City na dulot ng mga pag-ulan nitong nakaraang araw. Sa isang pulong balitaan sa Quezon City ngayong hapon, sinabi ni MWSS Department Manager, Engr. Patrick… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, Ipo Dam, at La Mesa Dam, nagdagdagan dahil sa mga pag-ulan nitong nakalipas na araw – MWSS

Red at Yellow Alert status sa Luzon at Visayas Grid, pinalawig ng NGCP

Muling pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red at Yellow Alert status sa Luzon at Visayas grid ngayong araw. Batay sa abiso, isasailalim sa Red Alert status ang Luzon grid: Red 𝐀𝐥𝐞𝐫𝐭2:00PM-5:00PM8:00PM-9:00PM At Yellow Alert status naman simula: 𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐀𝐥𝐞𝐫𝐭12:00PM-2:00PM5:00PM-8:00PM9:00PM-12:00AM (May 28) Habang isasailalim naman sa Yellow Alert status ang Visayas Grid:… Continue reading Red at Yellow Alert status sa Luzon at Visayas Grid, pinalawig ng NGCP