3 MOU at 1 LOI, nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei sa state visit ni Pangulong Marcos Jr.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah ang paglagda sa Memoranda of Understanding (MOU) kaugnay ng state visit Ng Chief Executive sa Brunei. Ito ay ang MOU hinggil sa Maritime Cooperation at ang Recognition of Certificates na nasa ilalim ng probisyon ng International Convention on Standards of Training,… Continue reading 3 MOU at 1 LOI, nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei sa state visit ni Pangulong Marcos Jr.

Fishing ban ng China sa WPS, di kinikilala ng Philippine Navy

Hindi kinikilala ng Philippine Navy ang pagdedeklara ng China na Fishing ban sa West Philippine Sea na sumasaklaw sa ilang bahagi ng karagatan sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, ang deklarasyon na isang “provocative statement” ng China ay hindi… Continue reading Fishing ban ng China sa WPS, di kinikilala ng Philippine Navy

Pangulong Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, mainit na sinalubong nina His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkia at Her Majesty Duli Raja Isteri

Naging mainit ang pagtanggap kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos nina His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkia at Her Majesty Duli Raja Isteri, sa Istana Nurul Iman, official residence ng Sultan of Brunei at ng kanyang pamilya. Bukod kina Sultan Bolkhia at Her Majesty Isteri, Kasama ring sumalubong kina Pangulong… Continue reading Pangulong Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, mainit na sinalubong nina His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkia at Her Majesty Duli Raja Isteri

Mambabatas, nagbabala sa tumataas na insidente ng bentahan ng mga ipinuslit na tobacco products

Nagbabala si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa aniya’y lumalalang insidente ng pagpasok at pagbebenta ng mga ipinuslit at iligal na tobacco products sa bansa. Tinukoy ng mambabatas ang ulat ng Transnational Alliance to Combat Illicit Trade (TRACIT) na ang pagbebenta ng mga iligal na produktong tabako ay nagagamit pampondo ng organized crime groups… Continue reading Mambabatas, nagbabala sa tumataas na insidente ng bentahan ng mga ipinuslit na tobacco products

Pagkakaroon ng WPS spox, iminumungkahi ng Senate leader

Iminumungkahi ni Senate President Chiz Escudero na magkaroon ng iisang tagapagsalita ang pamahalaan tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa West Philippine Sea (WPS). Ipinunto ng Senate leader na sa ngayon kasi ay masyadong maraming opisyal ang nagsasalita at nagbibigay ng reaksyon tungkol sa sitwasyon sa WPS gaya ng Philippine Coast Guard (PCG), Department of… Continue reading Pagkakaroon ng WPS spox, iminumungkahi ng Senate leader

Pilipinas, nakikita bilang economic giant sa taong 2033

Tinatayang magiging economic giant ang Pilipinas sa taong 2033 ayon kay Finance Secretary Ralph Recto. Sa kanyang talumpati sa ginanap na Philippine economic forum, sinabi nito na base sa pagtaya ng mga global research firms and analyst, lalago ang ekonomiya ng bansa ng 5.8 to 6.3 percent kung saan mauungusan ang ibang ASEAN countries. Anya… Continue reading Pilipinas, nakikita bilang economic giant sa taong 2033

Airports at seaports sa bansa, naka-heightened alert dahil sa bagong COVID-19 variant

Inatasan na ng Department of Health ang Bureau of Quarantine na maging alerto sa bagong variant ng COVID-19. Sa Memorandum Order No. 2024-48, inatasan ng DOH ang Bureau of Quarantine na ilagay sa ‘heightened alert’ ang kanilang estado para mabantayan ang borders ng bansa. Sa ngayon, 14 na bansa na sa mundo ang may naitala… Continue reading Airports at seaports sa bansa, naka-heightened alert dahil sa bagong COVID-19 variant

Sampung Indian Temple sa Pilipinas, suportado ang isang Indian-Filipino businessman sa pagsasampa ng kaso laban sa dating ahente ng PDEA

Naglabas ng nagkakaisang statement of support ang mahigit sa sampung Indian Temples sa Pilipinas para kay Manjinder Kumar o James Kumar, sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya kaugnay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) leaks na kasalukuyang iniimbestigahan sa senado. Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta ang Guru Nanak Indian Sikh Temple mula sa Dagupan,… Continue reading Sampung Indian Temple sa Pilipinas, suportado ang isang Indian-Filipino businessman sa pagsasampa ng kaso laban sa dating ahente ng PDEA

Abaca Festival, ipinagdiriwang ngayon sa Catanduanes

Ipinagdiriwang ngayon ang Abaca Festival sa tinaguriang ‘Abaca Capital of the Philippines’, ang lalawigan ng Catanduanes. Ito na ang ika-walong taon na ipinagdiriwang ang Abaca Festival sa lalawigan na layuning maiangat ang kamalayan ng mga Catandunganon sa kahalagahan ng abaca at ang kontribusyon nito sa lokal na ekonomiya ng probinsya maging sa buong bansa. Ilan… Continue reading Abaca Festival, ipinagdiriwang ngayon sa Catanduanes

Economic Cha-cha, nakasalalay sa desisyon ng publiko — Albay solon

Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, nasa kamay pa rin ng publiko ang kahihinatnan ng panukalang economic Charter change. Tugon ito ng mambabatas sa tanong kung magkakaroon ba ng pagbabago sa kapalaran ng Cha-cha dahil sa pagbabago ng liderato ng Senado. Aniya, magkasundo man ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay pagbobotohan pa rin ang economic… Continue reading Economic Cha-cha, nakasalalay sa desisyon ng publiko — Albay solon