Mga panindang karne sa ilang supermarket sa QC, ininspeksyon ng DA

Nagikot ngayong umaga si DA Usec. for Livestock Victor Savellano sa ilang supermarket sa Quezon City para inspeksyunin ang presyo ng ilang panindnag karneng baboy at manok. Ito ay para masigurong may abot kayang opsyon para sa mga mamimili. Dito sa Waltermart sa QC, may ilang mas murang opsyon para sa karneng baboy gaya ng… Continue reading Mga panindang karne sa ilang supermarket sa QC, ininspeksyon ng DA

Proyekto ng DOT para sa tourism workers sa Davao na naapektuhan ng kalamidad, suportado ng DSWD

Buo ang suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa itinataguyod na Bayanihan sa Bukas na may Pag-asa para sa Turismo (BBMT) project ng Department of Tourism na layong magbigay tulong sa mga tourism worker na nabiktima ng iba’t ibang kalamidad. Kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa isinagawang pamamahagi ng cash aid… Continue reading Proyekto ng DOT para sa tourism workers sa Davao na naapektuhan ng kalamidad, suportado ng DSWD

Naipamahaging tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng bagyong Aghon, umabot na sa ₱3.6-M — NDRRMC

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na miyembro ng kanilang response cluster. Ito’y para tukuyin ang iba pang mga pangangailangan ng mga apektado ng bagyong Aghon na nanalasa sa bansa. Batay sa pinakahuling situationer report ng NDRRMC ngayong umaga, pumalo na sa ₱3.6-milyong… Continue reading Naipamahaging tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng bagyong Aghon, umabot na sa ₱3.6-M — NDRRMC

Luzon at Visayas Grid, muling ilalagay sa Red at Yellow Alert dahil sa manipis na reserba sa kuryente

Muling isasailalim sa alert status ang Luzon at Visayas Grid ngayong araw dahil sa nananatiling manipis na reserva sa kuryente. Sa abiso ng NGCP, muling ilalagay sa Yellow Alert ang Luzon Grid simula mamayang alas-1 ng hapon at sa mga susunod na oras: 𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐀𝐥𝐞𝐫𝐭1:00PM-2:00PM4:00PM-5:00PM6:00PM-8:00PM10:00PM-11:00PM 𝐑𝐞𝐝 𝐀𝐥𝐞𝐫𝐭2:00PM-4:00PM hanggang 8:00PM-10:00PM Paliwanag ng NGCP, bunsod pa rin… Continue reading Luzon at Visayas Grid, muling ilalagay sa Red at Yellow Alert dahil sa manipis na reserba sa kuryente

Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling nadagdagan — PAGASA

Bahagyang tumaas muli ang antas ng tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng supaly ng tubig sa Metro Manila. Kasunod na rin ito ng mga pag-ulang dulot ng bagyong Aghon sa mga nakalipas na araw. Sa update ng PAGASA Hydromet Division, kaninang alas-8 ng umaga, nadagdgaan pa ng 15 sentimetro ang antas ng tubig… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, muling nadagdagan — PAGASA

NDRRMC, nakapagtala na ng 1 kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may isang nang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon. Ayon sa NDRRMC, ito’y isang 14-na taong gulang na dalagita na nagbuhat sa Brgy. Baliwagan sa bayan ng Balingasag sa lalawigan ng Misamis Oriental. Maliban dito, iniulat din sa pinakahuling situational report ng… Continue reading NDRRMC, nakapagtala na ng 1 kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon

NIA, nagsasagawa na ng assessment sa naging pinsala ng bagyong Aghon sa mga proyektong pang-irigasyon

Ongoing na ang assessment at validation ng National Irrigation Administration (NIA) sa mga naging pinsala ng bagyong Aghon sa irrigation systems at facilities sa bansa. Kabilang sa tinututukan ang CALABARZON na isa sa mga rehiyong nakaranas ng mga pag-ulan bunsod ng bagyo. Ayon sa NIA, nag-ikot na ang ilang opisyal ng NIA Quezon Irrigation Management… Continue reading NIA, nagsasagawa na ng assessment sa naging pinsala ng bagyong Aghon sa mga proyektong pang-irigasyon

DPWH, hihingi ng dagdag na pondo sa DBM para sa magiging quick response fund ngayong tag-ulan

Umaapela ang Department of Public Works and Highways – National Capital Region sa Department of Budget and Management na madagdagan ang kanilang quick response fund ngayong panahon ng tag-ulan. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni DPWH Regional Director Loreta Malaluan, kulang ang kasalukuyan nilang pondo para tugunan ang mga pangangailangan sa panahon ng kalamidad.… Continue reading DPWH, hihingi ng dagdag na pondo sa DBM para sa magiging quick response fund ngayong tag-ulan

14 na Mobile Command Center ng DSWD, pasisinayaan ngayong araw

Nakatakdang pangunahan ngayong araw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang inagurasyon ng 14 na pinakabagong Disaster Response Station Hub ng ahensya na Mobile Command Center (MCC). Laman ng bawat Mobile Command Center ang state-of-the art information and communications technology (ICT) equipment, na magsisilbing epektibong ugnayan sa pakikipagkomunikasyon sa panahon… Continue reading 14 na Mobile Command Center ng DSWD, pasisinayaan ngayong araw

Biyahe ng ilang pasahero sa Ortigas Avenue sa Pasig City, bahagyang naantala dahil sa biglaang buhos ng ulan

Bagaman dati nang pahirapan ang biyahe ng ilang mga pasahero sa bahagi ng Ortigas Avenue hanggang Ortigas Avenue Extension sa Pasig City, lalo pa itong naramdaman ngayong araw. Ito’y bunsod na rin ng biglaang pagbuhos ng malakas na ulan mula pa kaninang madaling araw bunsod ng inilabas na thunderstorm alert ng PAGASA. Sa pag-iikot ng… Continue reading Biyahe ng ilang pasahero sa Ortigas Avenue sa Pasig City, bahagyang naantala dahil sa biglaang buhos ng ulan