DSWD, nakapaghatid na ng ₱3.6-M halaga ng tulong sa mga apektado ng bagyong Aghon

Sumampa na sa higit ₱3.6-million ang halaga ng humanitarian assistance na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng bagyong Aghon. Ayon sa DSWD, kabilang sa nahatiran na nito ng family food packs ang mga lalawigan sa CALABARZON, Marinduque, Oriental Mindoro, Albay, Camarines Sur, at… Continue reading DSWD, nakapaghatid na ng ₱3.6-M halaga ng tulong sa mga apektado ng bagyong Aghon

Installment payment para sa mga pangunahing bayarin sa ilalim ng State of Calamity, isinusulong sa Kamara

Ipinapanukala nina ACT CIS Party-list Representatives Erwin Tulfo at Jocelyn Tulfo at Quezon City Representative Ralph Tulfo na gawing permanente ang “installment payment scheme” para sa mga pangunahing bayarin ng publiko. Sa ilalim ng kanilang House Bill 10376 o “Three Gives Law” maaaring gawing pautay-utay ng hanggang tatlong buwan ang pagbabayad sa basic utility bills… Continue reading Installment payment para sa mga pangunahing bayarin sa ilalim ng State of Calamity, isinusulong sa Kamara

Kaugnayan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Chinese Communisty Party, iniimbestigahan ng PNP

Pinakilos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa iba’t ibang unit ng Pulisya na alamin at imbestigahan ang impormasyong konektado umano si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Chinese Communist Party. Ayon sa PNP Chief, partikular na nangangalap ng impormasyon hinggil dito ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Giit ni… Continue reading Kaugnayan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Chinese Communisty Party, iniimbestigahan ng PNP

Speaker Romualdez, pinapurihan si PBBM matapos malagdaan ang ilang mahahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei

Nagpaabot ng pagbati at papuri si Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. matapos maselyuhan ang ilang mahahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei sa unang araw pa lang ng kaniyang state visit doon. Ayon kay Romualdez ipinapakita nito na lalo pang lumalim ang bilateral relations ng dalawang bansa na pakikinabangan din… Continue reading Speaker Romualdez, pinapurihan si PBBM matapos malagdaan ang ilang mahahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei

Presyo ng gulay sa Agora Public Market sa San Juan City, tumaas matapos ang pananalasa ng bagyong Aghon

Agad naramdaman ang epekto ng bagyong Aghon partikular sa sektor ng agrikultura. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Agora Public Market sa San Juan City, ₱20 ang itinaas ng presyo sa kada kilo ng gulay dito. Ang Talong at Kamatis na dating nasa ₱80 ay nasa ₱100 na ang kada kilo ngayon, habang ang Ampalaya… Continue reading Presyo ng gulay sa Agora Public Market sa San Juan City, tumaas matapos ang pananalasa ng bagyong Aghon

Pinsala sa agri sector ng bagyong Aghon, umabot na sa higit ₱22-M — DA

Sumampa na sa ₱22.8-million ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Aghon sa sektor ng agrikultura. Batay sa assessment ng DA, karamihan ng napinsalang sakahan ay mula sa CALABARZON at MIMAROPA Region. Katumbas ito ng 298 na ektarya ng agricultural areas o production loss na 976 metriko tonelada. May naiulat ding pinsala sa agricultural facilities… Continue reading Pinsala sa agri sector ng bagyong Aghon, umabot na sa higit ₱22-M — DA

Alokasyon ng MWSS mula sa Angat Dam, iaangat sa Hunyo

Daragdagan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon na ibinibigay ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga concessionaires nito na Maynilad at Manila Water simula sa Hunyo. Ayon kay MWSS Department Manager Engr. Patrick Dizon, mula sa kasalukuyang 49 cubic meters per second (CMS) ay iaangat sa 51 CMS ang alokasyon ng… Continue reading Alokasyon ng MWSS mula sa Angat Dam, iaangat sa Hunyo

Filipino community, masaya sa naging pagbisita ni Pres. Marcos Jr. sa Brunei

Hindi magkamayaw ang mga Pilipino sa Brunei nang makita ng personal at makadaupang palad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang Filcom event. Sa mga dumalo sa nabanggit na pagtitipon, ay naging mainit ang pagtanggap ng mga kababayan natin sa Brunei sa Punong Ehekutibo, First Lady Liza Araneta Marcos, at sa kasama nitong delegasyon.… Continue reading Filipino community, masaya sa naging pagbisita ni Pres. Marcos Jr. sa Brunei

Kamuning Flyover, 30% nang natatapos — DPWH-NCR 

Nagbigay ng update ang Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) kaugnay sa nagpapatuloy na pagkukumpuni sa Edsa-Kamuning Flyover sa Quezon City.  Ayon kay DPWH Regional Director Engr. Loreta Malaluan, 30% nang natatapos ang pagkukumpuni sa naturang istruktura.  Mas maaga daw ito sa target date nila ng halos tatlong linggo.  Sa ngayon, ang… Continue reading Kamuning Flyover, 30% nang natatapos — DPWH-NCR 

Negosasyon sa ‘new deal agreement’ sa China, itinanggi ng dating Western Command Chief

Mariing itinanggi ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) Chief Vice Admiral Alberto Carlos na nakipag-negosasyon siya sa isang Chinese diplomat para sa isang “new deal” agreement para mapahupa ang tensyon sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at Pilipinas. Sa panayam ng People’s Television (PTV) binigyang-diin ni Carlos na… Continue reading Negosasyon sa ‘new deal agreement’ sa China, itinanggi ng dating Western Command Chief