3, naitalang nasawi sa kasagsagan ng bagyong Aghon sa Quezon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa tatlo ang naitalang nasawi sa kasagsagan ng mga pag-ulang dala ng bagyong Aghon sa bahagi ng Katimugang Luzon o CALABARZON.

Batay sa ulat ni Area Police Command – Southern Luzon Chief, Police Lt. Gen. Rhoderick Armamento kay PNP Chief, Police Gen. Rommel Francisco Marbil, kabilang sa mga nasawi ay isang lalaki na nadaganan ng puno ng Acacia sa Brgy. Sampaga, San Antonio habang natutulog.

Patay na rin nang matagpuan ang isang sanggol na lalaki sa matubig na bahagi ng Sitio Resettlement sa Brgy. Ilayang Polo sa bayan naman ng Pagbilao.

Isang lalaki rin ang patay matapos madaganan ng puno ng Buli sa sikmura habang natutulog din sa Brgy. Ibabang Iyam sa Lucena City.

Samantala, iniulat din ni Armamento na aabot sa 2,923 na pamilya o katumbas ng 11, 941 na indibidwal ang inilikas dala ng epekto ng bagyo sa CALABARZON.

Ayon naman sa Office of the Civil Defense (OCD), kasalukuyan pang inaalam kung may kaugnayan sa bagyo ang mga naitalang casualty. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us