May kabuuang 504 Corrections Officer Recruits ang nagsipagtapos ngayong umaga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Pinangunahan ni BuCor Chief Director General Gregorio “PIO” Catapang Jr. ang graduation ceremony para sa mga nagtapos ng Custodial Basic Course.
Ang graduating class ay binubuo ng 343 lalaki at 161 babaeng recruit na sumailalim sa mahigpit na pagsasanay upang ihanda sila sa kanilang mga tungkulin bilang mga Correction Officers.
Sila ay idedeploy sa ibat ibang prison and penal sa bansa.
Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang aktibidad kung saan sila tatanggap ng certificate bilang Correction officers 1 ng BuCor. | ulat ni AJ Ignacio