55 wanted person, nahuli ng CIDG sa 24-oras na operasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 55 wanted na indibidwal sa 24-oras na operasyon sa buong bansa.

Ayon kay CIDG Director Police Major General Leo Francisco, ang isang araw na manhunt operation ay bahagi ng flagship Project Oplan “Pagtugis.”

Alinsunod ito sa direktiba ni Chief PNP Gen Rommel Francisco Marbil, na i-account ang lahat ng kriminal na may outstanding warrant of arrest.

Kabilang sa mga naaresto ang isang most wanted person sa national level, lima sa regional level, apat sa provincial level, apat sa municipal level; at 41 pang indibidwal na klasipikado bilang “other wanted persons” (OWP).

Ang mga arestadong indibidwal ay nasa kustodiya ng mga nakahuling CIDG unit para sa dokumentasyon at disposisyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us