Nakiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa United States Embassy sa Manila, sa paggunita ng “Memorial Day” sa Manila American Cemetery and Memorial kahapon.
Ang aktibidad ay bilang pagkilala sa kagitingan at sakripisyo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na magkakasamang nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang delegasyon ng AFP, kasama si Department of National Defense (DND) Undersecretary Irineo Espino.
Sa kabila ng sama ng panahon, nag alay ng bulalak at naglaan ng “moment of silence” bago nagbigay ng “firing salute” at “Taps” para sa mga yumaong bayani ang mga opisyal ng dalawang bansa bilang simbolo ng matatag na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang komemorasyon sa taong ito ay pagpapatibay ng commitment ng AFP at US military na patuloy na magtulungan para itaguyod ang kapayapaan at stabilidad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne
Photos by SSg Ambay/PAOAFP