Naglabas ng paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Makati sa mga motorista na bumabaybay sa mga kalsada nito na magkakaroon sila ng pansamantalang pagsasara sa daanan na magiging ruta ng Flores de Mayo na gaganapin bukas, May 4.
Ayon sa alternatibong ruta na inilabas ng pamahalaang lungsod, lahat ng east bound na M. Reyes-libertad na PUJ lane at ibang mga pribadong sasakyan na dumadaan sa Capt. M. Reyes St. o papuntang EDSA , sa kahabaan ng A. Arnaiz Ave., maaaring kumanan sa Evangelista St., kanan sa Gen. Lucban St. at Kaliwa sa M. Reyes St. papunta sa kanilang destinasyon.
Pansamantalang isasara ang Valderama St. dahil sa nasabing programa at lahat ng north bound na Evangelista – Libertad PUJ line at ibang mga pribadong sasakyan na papuntang A. Arnaiz Ave. ay maaaring kumaliwa sa A. Arnaiz /Evangelista intersection dahil ang ‘no left turn traffic rule’ doon ay pansamantalang inalis..
Para naman sa ibang mga kalsada na maaapektuhan ng prusisyon ay padadaanin ang mga motorista kung may gap ang parada pero nakadepende aniya ito sa mga traffic personnel na nakatutok sa partikular na kalsada.
Ang prusisyon ay magsisimula sa Bangkal Elementary at National High School patungong San Ildefenso Parish Church.
Daraanan ng nasabing Flores de Mayo ang Gen. Estrella St., kakanan ng P. Binay, kaliwa ng Jerry St., kanan ng Mayor St., kaliwa ng Cuangco St., kanan ng Batangas St., at kanan ng Valderama St. hanggang makarating sa simbahan. | ulat ni Lorenz Tanjoco


: Makati LGU