Binansagan ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro bilang isang uri ng “provocation” ang direktiba ng Chinese Government sa Chinese Coast Guard na arestohin ang mga “trespasser” sa kanilang inaangking teritoryo sa karagatan.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim sa isang ambush interview matapos dumalo sa Ika-126 an anibersaryo ng Philippine Navy kaninang umaga.
Ayon sa kilihim ang naturang kautusan ay ilegal at labag sa United Nations Charter.
Binigyang diin ni Teodoro na ito ay isang international concern dahil banta ito sa pandaigdigang kapayapaan.
Una naring tiniyak ng Philippine Navy na hindi nila pahihintulutang arestohin ng Chinese Coast Guard ang mga Pilipinong mangingisda sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Phil. Sea. | ulat ni Leo Sarne