Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) ang pag-isyu ng Korte ng mga arrest warrant laban sa 27 personalidad na konektado sa non-government organization (NGO) na Community Empowerment Resource Network Inc. (CERNET) dahil sa paglabag sa Anti-Terrorism Financing Law.
Ang warrant of arrest ay inisyu noong Mayo 14 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 74, base sa kasong inihain ng Department of Justice (DOJ) laban sa CERNET dahil sa kanila umanong pagiging daluyan ng pondo na ginamit ng CPP-NPA sa mga marahas na aktibidad mula 2001.
Ang VISCOM, sa pamamagitan ng Joint Task Group (JTG) Cebu sa ilalim ng Philippine Army 302nd Infantry Brigade ang nangalap ng ebidensya na nagpalakas ng kaso.
Tiniyak naman ni VISCOM Commander Lieutenant General Fernando M Reyeg ang buong suporta ng VISCOM sa mga hakbang ng pamahalaan para buwagin ang lahat ng network na dinadaluyan ng pondo ng mga terorista sa bansa. | ulat ni Leo Sarne