ARTA, binigyan ng “commendation” ang Bacoor LGU sa pagiging ganap na automated electronic Business One-Stop Shop

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pagtatatag ng isang ganap na automated electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).

Ang Bacoor ang ika-walong local government unit (LGU) sa Southern Luzon, at ika-28 sa buong bansa na nagkaroon ng eBOSS commendation, streamlining business permit applications, at renewals.

Ang inisyatiba na ito ay isang collaborative effort sa pagitan ng ARTA, Department of the Interior and Local Government, Department of Information and Communications Technology, at Department of Trade and Industry, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapabuti ang bureaucratic efficiency ng bansa.

Pinangunahan ni ARTA Secretary Ernesto Perez ang seremonya ng paggawad ng commendation sa lokal na pamahalaan.

Binigyang-diin naman ni Bacoor City Mayor Strike Revilla ang kahalagahan ng award, at ang dedikasyon ng mga empleyado ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us