Binuksan na ngayong Araw ng Paggawa ng Navotas City LGU ang ika-3 batch ng online application para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
Sa abiso ng LGU, kabuuang 1,100 aplikante ang mabibiyayaan ng trabaho ngayong Mayo dahil sa TUPAD program.
Bawat barangay ay may nakalaang bilang ng slot base sa populasyon.
Pero nilinaw ng LGU na isang beses lang maaaring magparehistro kaya dapat siguruhing nag-apply sa tamang dibisyon ng sariling barangay.
Para sa mga aplikante, kailangan nasa 18 taong gulang ang edad pataas, hindi nagdadalantao, at kung senior citizen dapat ay ‘physically fit’.
Kailangan lamang magdala ng dalawang piraso ng 2×2 picture, isang photocopy ng government-issued ID. Pagkatapos ay mag-register na online sa: https://tupadapplication.my.canva.site/tupad-online-application-2024-batch-3 | ulat ni Rey Ferrer