Bilang ng mga sasakyang nahuli ng DOTr-SAICT na ilegal na dumadaan sa EDSA-Busway, umabot na sa mahigit 1,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng pinaigting na operasyon ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa EDSA Busway.

Umabot na sa 1,493 na mga sasakyan na ilegal na dumadaan sa EDSA Busway ang nahuli ng DOTr-SAICT simula January 1 hanggang May 7, 2024.

Sa bilang na ito, 566 ang mga motorsiklo, 498 ang mga pribadong sasakyan, at 410 ang mga hindi awtorisadong bus at truck.

Samantala, sa ikinasang operasyon ng SAICT kahapon sa EDSA Busway, nasa walong sasakyan naman ang nahuli.

Patuloy naman ang paalala ng DOTr-SAICT sa mga motorista na tanging mga awtorisadong sasakyan lamang ang pinapayagang dumaan sa EDSA Busway kabilang na ang mga sasakyan na rumeresponde sa emergency.

Gaya ng ambulansya na may sakay na pasyente, PNP vehicles na may urgent operation, at fire trucks. Gayundin ang convoy ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, House Speaker, at Chief Justice. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us