Nasa loob na ng PAR ang binabantayang low pressure area ng PAGASA na nasa bahagi ng Mindanao.
As of 10am, natukoy ito na nasa 870 km ng timog silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, posibleng maging bagyo na ang LPA sa biyernes at tatawaging Aghon.
Ito ang magiging unang bagyo sa bansa ngayong 2024.
Batay naman sa track forecast ng PAGASA, nakikitang tatama ang LPA sa Samar pero posible ring lalapit lang sa Eastern Visayas at Bicol bago lumiko palayo sa bansa.
Sa ngayon ay hindi pa inaasahan na lalapag ito sa kalupaan at mananatili sa karagatan.
Pero hindi umano nila inaalis ang posibilidad na mag-landfall pa rin ito.
Sa linggo naman, posibleng lumakas pa ang binabantayang sama ng panahon na maaaring umabot sa tropical storm at severe tropical storm habang papalayo sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa