Biyahe ng mga jeepney sa Pasig City, nananatiling normal kasunod ng panibagong kilos-protesta ng grupong MANIBELA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi ramdam ang kilos-protesta ng grupong MANIBELA sa bahagi ng Pasig City Mega Market.

Ito’y dahil sa nananatiling normal ang biyahe ng mga jeepney na pumapasada rito na halos karamihan ay consolidated na.

Kabilang sa mga ruta ng jeepney dito ay ang mga biyaheng Pasig-Quiapo, Pasig-Marikina, Pasig-Crossing EDSA, Pasig-Taguig, at Pasig-Pateros-Bagong Bayan.

Gayunman, nananatiling mabigat ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan sa lungsod dahil sa Monday rush hour partikular na sa bahagi ng Caniogan.

Subalit patuloy na naka-alalay ang mga traffic enforcer ng Pasig City LGU para magmando ng trapiko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us