Nakatakdang ipakilala ng Bureau of Corrections ang isang programa para sa mga personnel nito na naglalayong isulong at palakasin ang training management sa para sa corrections officers at trainees.
Ayon sa BuCor ipapakilala nila ang new Training Approaches and Management Agenda o (TAMA) program na ipapatupoad sa lahat ng Corrections National Training Institutes (CNTI) sa buong bansa.
Layon nito na ipromote ang well-programmed training na magreresulta sa isang globally competent personnel officers na inaasahang magiging de kalibreng leaders sa hinaharap.
Ayon kay BuCor General Gregorio Pio Catapang Jr. nais nilang itanim sa kanilang mga new generation officers na bigyang importansya ang value formation.
Paliwanag ng Heneral na kahit anong talino o galing ng isang tao kung wala itong sapat na values, mababalewala ang lahat.
Dapat aniyang pagyamanin ito ng mga rank and file ng BuCor. | ulat ni Lorenz Tanjoco