Nasa 100 mag-aaral ng Batch 2024 mula elementary hanggang senior high school ang nakatanggap ng tig-P10,000 cash incentive mula sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang kahusayan at pagkamit ng “With Highest Honors” sa katatapos na Graduation Ceremony ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ayon kay Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan, ang cash incentive ay simbolo ng pagpapahalaga ng lungsod sa edukasyon at paghihikayat sa mga kabataan na patuloy na mag-aral nang mabuti.
Ang cash incentive ay bahagi ng programa ng pamahalaang lungsod upang suportahan at hikayatin ang mga mag-aaral na pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.
Tiniyak din ng Caloocan LGU na patuloy na maglalaan sa mga programa para sa pagpapaunlad ng kabataan at edukasyon sa lungsod. | ulat ni Diane Lear