Camp Aguinaldo Station Hospital, nagdiwang ng ika-29 na anibersaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Surgeon General Brigadier General Fatima Claire Navarro MC, ang pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital (CGEASH), ngayong araw.

Bilang bahagi ng aktibidad, pinasinayaan ni BGen. Navarro ang bagong gusali ng ospital kasama si CGEAS Commanding Officer Col. Domingo Chua Jr.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni BGen. Navarro ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng militar at pribadong sektor, para tugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng Sandatahang Lakas.

Binati rin ni BGen. Navarro ang mga opisyal at tauhan ng CGEASH sa kanilang paghahatid ng de-kalidad na serbisyo medikal sa mga sundalo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us