Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi sinibak, kun hindi inilipat lang sa ibang pwesto ang Chief of Police ng Alitagtag, Batangas na si Police Major Luis De Luna Jr.
Paliwanag ng PNP Chief, ang paglipat sa pwesto ng opisyal na nabigyan ng spot promotion kasunod ng pagkakasabat ng P9.6 bilyong halaga ng shabu noong Abril 15 ay para sa kanyang proteksyon laban sa malaking sindikatong nasagasaan ng operasyon.
Hindi naman tinukoy pa ni Marbil kung saan inilipat ng pwesto si De Luna.
Samantala, sinabi ni Marbil na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon para mahuli ang mga nasa likod ng P9.6 billion na shabu.
Matatandaan na bago nito, inalis din sa pwesto ang Hepe ng Batangas Police na si Lieutenant Colonel Reynaldo Domelod.
Ito naman ay kasunod ng bigong operasyon sa Canadian national na konektado sa iligal na droga na nakuha sa Alitagtag Batangas. | ulat ni Leo Sarne