Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang commitment ng Sandatahang Lakas sa pagtataguyod ng stabilidad sa Indo-Pacific region sa pamamagitan rules-based approached alinsunod sa international law.
Ito’y sa pakikipagpulong ni Gen. Brawner kay United States Pacific Fleet Commander Admiral Stephen Koehler sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon.
Dito’y napag-usapan ng dalawang opisyal ang kauna-unahang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa pagitan ng kanilang mga pwersa at ang regular na pagsasagawa ng naturang aktibidad para pangalagaan ang seguridad sa Indo-Pacific Region.
Nagpasalamat naman si Gen. Brawner kay Admiral Koehler sa patuloy na suporta sa matatag na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa gitna ng mga kasalukuyang hamong panseguridad. | ulat ni Leo Sarne
📷 by Pfc Carmelotes/PAOAFP