Dalawang panukalang magtatag ng infant-friendly facilities sa government agencies at establisyemento, lusot na sa House Panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng House Committee on the Welfare of Children, ang consolidation ng tatlong panukalang batas ng magalagay ng infant-friendly facilities sa bansa.

Ang substitute bill ay binubuo ng House Bills 9403  providing for baby changing facilities in restroom for all public establishments and government offices, HB 9678 providing for diaper-changing stations in all major establishments  at ang house bills requiring the provision of infant-friendly facilities in government and other establishments.

Ayon kay Cavite Rep. Lani Mercado na isa sa may akda ng panukalang batas dapat maging ang mga comfort rooms ng mga kalalakihan at may pasilidad na makakapag palit sila ng diaper ng kanilang mga sanggol.

Nagpahayag naman ng pagsuporta ang Council for the  Welfare of Children sa naturang mga panukalang batas, anila  sangayon sila sa hangarin ng mga may akda na kailangan at importante na may ganitong pasilidad lalo na ngayon tumataas ang birth rate.

Umaasa ang CWC na maisasabatas ang mga House Bills na magpapagan sa tungkulin sa mga magulang na nagaalaga ng kanilang sanggol. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us