Hinimok ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development ang lahat ng mga kababaihan na samantalahin ang libreng cervical cancer screening na alok sa mga health center.
Ngayong araw, isang regional launch ngayong araw ng Nationwide Cervical Cancer Screening sa SM North Edsa, Quezon City.
Pangungunahan ito ni DOH-MMCHD RD Rio Magpantay at ilang opisyal ng SM Supermalls, Philippine Cancer Society, Philippine Obstetrical and Gynecological Society, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Quezon City LGU.
Sa datos ng World Health Organization, ikaapat ang cervical cancer sa pinaka-prevalent cancer sa mga kababaihan. Dito sa Pilipinas, nasa 8,549 na bagong kaso ng cervical cancer cases ang naitala noon lamang 2022.
Dahil dito, pinalalakas na ngayon ng DOH ang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit kabilang ang mas pinaigting na cervical cancer screening sa mga kababaihang nasa edad 30-65 at ang mabilis na usad ng cervical cancer elimination initiatives sa bansa.
Para sa libreng screening ngayong araw, kabilang sa kalahok ang mga empleyado ng SM at mga residente ng Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa