Pormal nang sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “e-PANALO ang Kinabukasan” program na layong palakasin ang digital financial literacy at inclusion para sa benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ikinasa ito sa ginanap na caravan sa barangay Paquibato Proper, Davao City kung saan 200 4Ps beneficiaries ang naturuan sa digital applications.
“The DSWD undertakes this initiative to help 4Ps beneficiaries adapt to the emerging modern platforms and technology for faster access to various financial online services,” sabi ni DSWD Asst. Secretary for 4Ps and the National Household Targeting System Marites Maristela.
Ang e-PANALO program ay nagbibigay kapangyarihan sa mga benepisyaryo para maunawaan ang ibat ibang digital platforms na makakatulong upang magamit ng maayos ang kanilang natatanggap na 4Ps cash grants.
DSWD Asst. Secretary for 4Ps and the National Household Targeting System Marites Maristela, nakikipagtulungan na ang ahensya sa Land Bank of the Philippines at pribadong sektor para mas mapagaan ang paggamit ng mga benepisyaryo sa natatanggap nitong cash grants.
Sa kasalukuyan mayroon ng mahigit sa 4 million 4Ps households ang nabiyayaan ng finance literacy sessions nationwide sa pamamagitan ng regular Family Development Sessions. | ulat ni Merry Ann Bastasa