Nagtungo si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa ilang bayan sa Quezon para personal na ipaabot ang tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Bagyong Aghon.
Katuwang ang LGU, pinangunahan ng kalihim ang pamamahagi ng family food packs (FFPs) at cash aid sa mga apekatdo g residnte sa mga bayan ng Mauban at Pagbilao sa Quezon.
Ayon sa kalihim, parte ito ng direktiba ni Pang. Ferdinand R Marcos Jr na tiyaking mabilis na maihahatid ang tulong lalo na sa mga pinakatinsmaan ng bagyong Aghon.
Batay sa pinakahulin tala ng DSWD, aabot an sa P3.6-M ang halaga ng humanitarian assistance na nailaan ng kagawaran sa mga apektado ng bagyo.
Nanantiling available din ang 2.7 milyonh halaga ng relief resources kabilang ang stockpile at standby funds para sa mga biktima ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa