Upang mas mahikayat ang mga micro small and medium enterprises (MSMEs) na magparehistro ng kanilang mga negosyo partikular sa lungsod ng Taguig, nagsanib pwersa ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Taguig City LGU.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ito’y upang mas maihatid nila sa MSMEs na hindi pa nakapagparehistro ang programa at serbisyong hatid ng DTI at para na rin sa kanilang proteksyon.
Umaasa naman ang DTI na sa kanilang naging kolaborasyon ng Taguig City ay marami pang mga negosyante ang magpapa-register sa DTI. | ulat ni AJ Ignacio