Kinumpirma ng Department of Trade and Industry na guilty sa paglabag sa Vape Law ang Flava Corporation at isang Lilac Sison Tayaban na nag-ooperate sa ilalim ng business name na “Lilacs Vape Shop”.
Ayon sa DTI, pinatawan ang nasabing negosyo ng administrative fine na P100,000 matapos ang desisyon sa Administrative Case No. FC 2024-305.
Napatunayan kasi na nagbebenta ang Flava Corporation ng vape products na may flavor descriptors na target ang mga menor de edad.
Batay sa Section 12 ng Vape Law ipinagbabawal ang pagbebenta ng vape products na tumatarget sa mga menor de edad gamit ang mga mapang-akit na flavor descriptors sa mga ito.
Dahil dito ay iginiit ng DTI na nananatiling suspendido ang manufacturing, importing, selling, packaging at distribution ng Flava products. | ulat ni Lorenz Tanjoco