Pinagkalooban ng Philippine National Police ng kabuuang 1.9 milyong piso ang 10 impormante na nagbigay ng impormasyon tungo sa pagkaka-aresto ng 11 wanted na indibidual.
Personal na iniabot ni PNP Director for Intelligence Brig. Gen. Westrimundo Obinque ang “cash reward” sa mga impormante sa simpleng awarding ceremony na ginanap kahapon sa Intelligence Training Group sa Camp Crame.
Nakasuot ng mask ang mga impormante para sa proteksyon ng kanilang pagkakilanlan.
Binigyan diin naman ni Obinque na ang pagbibigay ng pabuya ay isa sa mga programa ng PNP para sa agarang pagkakadakip sa mga tinaguriang wanted sa ibat ibang mga kaso.
Kasama sa mga naaresto sa tulong ng mga impormante ay mga wanted sa murder, rape, robbery, at carnapping. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PNP-PIO