Mula Mayo 10 hanggang Mayo 16, matagumpay na naisagawa ng Quezon City Police District (QCPD) ang 59 na community outreach programs sa iba’t ibang lugar sa lungsod Quezon.
Sa loob lang ng isang linggo. kabuuang 3,803 residente sa lungsod ang naabot ng inilunsad na programa ng pulisya.
Nilalayon nito na iangat ang kamalayan ng publiko tungkol sa pag-iwas sa krimen, iligal na droga, at pagpapatupad ng preemptive measures lalo na ang mapanlinlang na aktibidad ng Communist Party of the Philippines (CPP)/ New People’s Army (NPA)/ National Democratic Front (NDF).
Ayon kay QCPD District Community Affairs and Development Division Chief PCol Benjamin Ariola,sa nasabing aktibidad,nagbigay ng lectures ang pulisya tungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness ,ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program/Drug Awareness, Crime Prevention Safety Tips.
Itinuro din sa kanila ang Safe Spaces Act, Bomb Awareness, Anti-Bullying, R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children at ang Kapulisan Simbahan at Mamamayan (KASIMBAYANAN).
Sinabi pa ni Col Ariola na nag-organisa rin sila ng livelihood programs at medical missions at ang pagkaloob ng informational materials, food packs, hot meals, at PARAK newspapers sa mga residente. | ulat ni Rey Ferrer