Umabot na sa higit 400 pulis sa Metro Manila ang nasisibak sa serbisyo sa tuloy tuloy na internal cleansing ng National Capiral Region Police Office.
Sa pulong balitaan sa Kampo Karingal, sinabi ni NCRPO Chief PMGen Joee Melencio Nartatez Jr., na mula sa mga natanggal, 12 pulis ang may kaugnayan sa iligal na droga.
Karamihan naman ng mga kaso ay sa mga pulis na nag-AWOL o Absent without Leave.
Bukod dito, nasa higit 700 kaso rin ng mga pulis sa NCR ang nasuspinde o nademote sa serbisyo.
Sa kabuuan naman, nasa 2,500 na mga kasong may kaugnayan sa pulis ang naresolba na rin ng NCRPO kung saan kalahati rito ay abswelto ang mga pulos.
Tuloy tuloy rin ang pagresolba sa iba pang nakabinbing mga kaso na ayon kay Gen. Nartatez ay nakatambak sa dalawang container vans sa Camp Bagong Diwa. | ulat ni Merry Ann Bastasa