Nakatanggap ng unconditional cash assistance ang 5,575 na residente ng La Union na labis na naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Egay, noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1, ipinagkaloob ang tig P4,500 na Emergency Cash Transfer sa mga benepisyaryo.
Mula sa nasabing bilang, 371 sa mga ito ang nasiraan ng bahay habang 5,204 ang labis na naapektuhan sa pananalasa ng naturang bagyo.
Kahapon, Mayo 15 ay nakatanggap ng nasabing assistance ang 644 na residente ng Bangar, La Union.
Ayon sa kagawaran, inaasahang makakatanggap ng parehong tulong ang iba pang benepisyaryo sa lalawigan sa mga susunod na araw. | ulat ni Glenda B. Sarac, Radyo Pilipinas Agoo
Photos: DSWD Field Office 1