Nakatanggap ngayong araw (May 16) ng P10.5 milion na presidential assistance ang Iligan City, bilang tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng El Niño.
Nasa P13.9 million sa Lanao del Norte, at P24.3 million sa Misamis Occidental.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., makakaasa ang mga Pilipino na ang pamahalaan ay palaging nakasuporta at palaging makikinig sa pangangailangan ng publiko.
Bukod dito, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi ng P10,000 sa 9,588 na mga magsasaka, mangingisda, at pamilya ng mga ito.
Habang ang tanggapan ng House Speaker ay namigay rin ng tig-limang kilo ng bigas sa mga dumalo sa kaganapan.
Ngayong hapon, tumungo rin ang Pangulo sa Cagayan de Oro upang i-abot ang P10 million presidential assistance para sa local government unit nito.
Habang tig-P50 million naman ang natanggap ng Bukidnon at Misamis Oriental.
Kung matatandaan, ito na ang ikalimang na beses na personal na namahagi ng presidential assistance ang Pangulo sa mga lugar na lubhang tinamaan ng El Niño, at nakaranas ng water shortage at pinsala sa agrikultura. | ulat ni Racquel Bayan