Hiniling ngayon ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa House Committee on Legislative Franchise na maging maingat sa pagtalakay sa renewal ng legislative franchise ng Meralco.
Ito’y matapos itanggi ng BDO Unibank na may kinalaman ito sa manipestasyon ng isang law firm na nagsasabing inirereklamo ng bangko ang Meralco.
Sabi ng mambabatas na dapat ay maging maingat ang komite sa pag suri ng mga ebidensya at impormasyon inihaharap sa pagtalakay ng prangkisa upang mapanatili ang integridad mg pag dinig.
“I am of firm belief that only substantive and verified evidence should be presented before the Committee on Legislative Franchises, or any committee for that matter, so that the honorable members of Congress would not be misled by inaccurate information and for all of us to maintain the integrity of the ongoing deliberations. As representatives of the Filipino people, it is our obligation to resolve issues and concerns subject to our review in a fair, sober and respectful manner,” sabi ni Rodriguez
Una nang kinumpirma ng House franchise committee na lumiham ang BDO para itanggi ang umano’y reklamo nito laban sa power provider na inilatag ng Manjares & Manjares law firm sa komite na walang otorisasyon.
Iginigiit kasi ng naturang law firm na ikonsidera ang reklamo nv BDO sa pagdedesisyon ng franchise renewal ng Meralco. | ulat ni Kathleen Forbes