Impormasyong sangkot sa surveillance at hacking sa mga gov’t website ang ni-raid na POGO hub sa Tarlac, iniimbestigahan na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masusi nang iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging pahayag ni Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado kamakailan.

Ito’y makaraang magpahayag ng pagkabahala si Sen. Hontiveros na posibleng sangkot sa surveillance at hacking incidents sa mga website ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang kumpaniyang Zun Yuan Technology Inc.

Ang Zun Yuan Inc. ay isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nakabase sa Baofu Compound sa Bamban, Tarlac na sinalakay ng mga awtoridad noong isang buwan dahil sa pagkakasangkot nito sa malawakang scamming.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, kung totoo man ang impormasyon ay makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ni Sen. Hontiveros.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang PNP Anti-Cybecrime Group (ACG) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa iba pang ahensya para beripikahin ang naging pahayag ng senador.

Una rito, ginisa ng senador si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa umano’y koneksyon nito sa naturang POGO hub.

Pero pagtitiyak ng PNP, tinututukan nila ang naturang usapin bagaman wala namang seryosong banta sa kasalukuyan subalit hindi sila magpapaka-kampante sa sitwasyon dahil sa ito’y tungkol sa pambansang seguridad.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us