Kasalukuyang nakikipag-negotiate ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isa sa mga kapwa-akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) lider Pastor Apollo Quiboloy sa kasong qualified human trafficking at child abuse.
Ayon kay CIDG Director Police Maj. General Leo Francisco, dahil dito ay possibleng sumuko anumang araw si Barangay Tamayong Chairman Cresente Chavez Canada.
Si Canada ang Brgy. Chairman kung saan nakatirik ang tinatawag na Prayer Mountain ng KOJC.
Nauna nang isinuko ni Canada sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty Isrelito Torreon ang 21 niyang baril sa CIDG Regional Field Unit 11 sa KOJC compound sa Sasa, Davao nitong Sabado.
Ayon kay Atty. Torreon, isinuko ni Canada ang kanyang mga rehistradong baril para hindi maakusang ginagamit ang mga ito sa pag-protekta kay Pastor Quiboloy. | ulat ni Leo Sarne