Kasong administratibo vs mga tauhan ng PNP-SAF na sangkot sa “moonlighting” dahil sa pagsisilbing bodyguard sa ilang Chinese, iniimbestigahan na rin ng PNP-IAS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gumugulong na ang imbestigasyon ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) laban sa dalawang miyembro ng Special Action Force (SAF) na sangkot sa “moonlighting” dahil sa pagsisilbing security escort ng isang POGO official.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Brigido Dulay, nag-umpisa na ang pre-charge investigation at kasalukuyan na silang nasa dako ng case build up.

Sa sandaling makakalap na sila ng mga kinakailangang ebidensya, sinabi ni Dulay na magsisimula na sila ng summary dismissal proceedings laban sa mga ito.

Inaasahan aniyang tatagal ng 30 araw ang pagdinig sa sandaling magsimula na ito.

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, bukod sa dalawang SAF commandos ay sinibak na rin sa puwesto ang pitong higher ups ng mga sangkot na pulis dahil sa iregularidad kaya’t maging sila’y may kinahaharap ding kasong administratibo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us