Kaugnayan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Chinese Communisty Party, iniimbestigahan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakilos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa iba’t ibang unit ng Pulisya na alamin at imbestigahan ang impormasyong konektado umano si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Chinese Communist Party.

Ayon sa PNP Chief, partikular na nangangalap ng impormasyon hinggil dito ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Giit ni Marbil, pinagsasama-sama nila ang lahat ng impormasyong kanilang natatanggap at masusing isinasailalim ito sa berpikasyon na bahagi ng gumugulong na imbestigasyon.

Magugunitang sa pagdinig ng Senado, iniuugnay si Mayor Guo sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa lupaing pagmamay-ari nito dahil sa samu’t saring iligal na aktibidad.

Una rito, kumakalat sa social media ang isang video na nagsisiwalat ng pinagmulan ng pamilya Guo na nagmula umano sa Fujian, China na kilalang baluwarte ng Komunismo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us