Makakaasa ang Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines, partikular ang Philippine Navy ng suporta mula sa Kongreso lalo na pag dating sa pagpapalakas ng kanilang asset.
Ito ang tiniyak ng House leaders kasabay ng pagpuri sa desisyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang presensya ng PCG at Philippine Navy sa West Philippine Sea.
Sabi ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe lagi naman sinusuportahan ng Kamara ang modernisasyon at pagpapalakas ng AFP at PCG.
“kung titingnan po natin iyong output ng HOR when we passed the General Appropriations Bill (GAB), hindi lang po iyong mga original proposal na binigay ng AFP, DND or PCG sa pagbili ng mga assets nila dinadagdagan pa po ng HOR iyon para makatulong po tayo sa PCG, makatulong tayo sa AFP, makatulong tayo sa ating PNP and all of these agencies that are tasked to help us protect the Philippines, protect our sovereignty.” Paglalakahad ng House Majority Leader.
Kaya sa pagtalakay ng 2025 National Budget makasisiguro aniya ang naturang mga ahensya na bibigyan sila ng dagdag na budget para magampanan ang kanilang mandato na protektahan ang ating teritoryo.
Naniniwala rin si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang pinalakas na presensya ng PCG at Navy sa pina aagawang teritoryo ay makatutulong para maiwasan ang pag tatayo ng China ng mga imprastraktura doon.
“Malaki ang maitutulong ng Kongreso sa pagbibigay ng dagdag o karagdagang pondo para ho tayo makabili ng mga gamit pandagat ng sa ganoon mabantayan natin itong WPS na kung saan ay merong mainit na usapin tungkol sa pambu-bully, pang-aangkin ng ating kapitbahay iyong China ano. But more than that iyong presence kasi will deter iyong ganitong klaseng mga pang-aangkin…the reason kaya nakapagpatayo iyan ng mga kung ano-anong inprastraktura duon sa Kalayaan Group of Islands is because wala ho tayong presensya doon.” sabi ni Barbers.
Apela naman ni Barbers na bantayan rin ang eastern seaboard ng bansa na isang mahalang maritime highway.
“But huwag po nating kalimutan iyong Eastern Seaboard diyan ho iyong sa harap ng Surigao…that’s a very, very important ocean or hi-way for international trade, cargoes…so napakaimportante na magkaroon din ho ng presensya diyan kagaya ho doon sa presensya na sinasabi po dito sa WPS. | ulat ni Kathleen Forbes