Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas City ang Crisis Center for Women and their Children.
Ito ang kauna-unahang Women’s Crisis Center sa buong Metro Manila, na matatagpuan sa Aira Street, Santa Cecilia Village, Barangay Talon Dos.
Pinangunahan nina Mayor Imelda T. Aguilar at Vice Mayor April Aguilar kasama ang mga department head ang naturang event.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng pagtugon sa mga pangangailangan ng kababaihan at kanilang mga anak na dumanas ng karahasan at mga pang-aabuso ng kalalakihan sa komunidad, at mula sa sariling pamilya.
Paliwanag ni Aguilar, na sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng pamahalaang lungsod sa proyektong ito ay magbibigay ng pansamantalang matutuluyan, counseling, psychosocial services, recovery, rehabilitation program at livelihood assistance sa mga biktima. | ulat ni Lorenz Tanjoco