Ipinakita ng Lungsod ng Las Piñas na kabilang sila sa Bagong Pilipinas.
Nakibahagi kasi ang lungsod sa pagsasagawa ng programang “Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan,” o KALINISAN sa Bagong Pilipinas Clean-Up Drive.
Ito ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa pagtutulungan ng national government at lokal na pamahalaan ng Las Piñas sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, patuloy ang ipinakitang pagsisikap ng mga taga Las Piñas na pangalagaan ang kanilang kapaligiran. | ulat ni Lorenz Tanjoco