Upang mas makatulong sa mga residenteng nagdadalamhati sa Lungsod ng Las Piñas, ipagpapatuloy pa rin ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng libreng funeral service sa mga residente ng lungsod.
Ayon kay Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, personal niyang tutugunan ang mga burial assistance ng mga residenteng magre-request nito.
Dagdag pa ng alkalde, ito’y bahagi ng inisyatiba sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan na nagkakaloob ng komprehensibong serbisyong panlipunan para sa mga residente nito.
Sa huli, muling nangako ang alkalde sa bawat nasasakupan nito na ipagpapatuloy nila ang mga pampublikong serbisyo nito hindi lamang sa pagpapalibing maging ang mga kinakailangan ng taumbayan. | ulat ni AJ Ignacio