Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang Local terrorist group leader sa Brgy. Lapu, Polomok, South Cotabato nitong Martes.
Kinilala ni CIDG Director Police Major General Leo M. Francisco ang arestadong akusado na si alyas “Jaffer”, 32, ang leader ng Dawla-Islamiyah – HG Emaruddin Kassan.
Ang pag-aresto sa akusado ay sa bisa ng apat na warrant of arrest para sa mga kasong murder, frustrated murder, at attempted murder.
Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG South Cotabato Provincial Field Unit (PFU) Office para sa disposisyon at dokumentasyon.
Binati ni MGen. Francisco ang mga tauhan ng CIDG Cotabato PFU sa puspusang pagpapatupad ng kautusan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na maglunsad ng agresibong operasyon laban sa nagbabanta ng kapayapaan at seguridad ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of CIDG