Dahil sa manilis pa ring reserba sa kuryente, muling ilalagay sa Yellow at Red Alert status ang Luzon Grid ngayong araw.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), narito ang iskedyul ng alert status sa Luzon Grid:
๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ
4:00PM-10:00PM
๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ
1:00PM-4:00PM
10:00PM-11:00PM
Paliwanag ng NGCP, kabilang sa nakaapekto sa grid ang forced outage ng limang planta mula pa noong Sabado dahil sa bagyong Aghon.
Bukod dito, may tatlong planta rin ang gumagana ng mas mababa sa kapasidad kaya nasa kabuuang 4,497.3MW ang nawawala ngayon sa grid.
Ang available capacity ngayon sa Luzon Grid ay nasa 12,326MW habang ang peak demand ay 11,455MW.
Samantala, normal naman ang lagay ng Visayas at Mindanao Grid. | ulat ni Merry Ann Bastasa