Aabot sa 3,240 na mga pamilya sa Escalante, Negros Occidental ang inaasahang makikinabang sa mga proyektong Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay sa ilalim ng programang KALAHI-CIDSS ng ahensya.
Nagkaloob ang DSWD ng P11.4 milyon kasama ang higit P200,000 mula sa lokal na pamahalaan, para sa 13 community projects sa 13 barangays sa Escalante.
Kabilang sa mga proyektong ito ang paglalagay ng solar street lights at pagsasaayos ng mga kalsada.
Ayon kay DSWD Undersecretary Alan Tanjusay, layunin ng KALAHI-CIDSS na tulungan ang mga komunidad sa pakikipagtulungan ng local government units (LGUs) upang maipatupad ang mga programa ng ahensya. | ulat ni Diane Lear