Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office 3 ang 2 High Value Individuals na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa rehiyon.
Batay sa ulat kay PRO3 o Central Luzon PNP Director, PBGen. Jose Hidalgo Jr, naaresto ang 2 sa bahagi ng Brgy. Graceville, San Jose City sa lalawigan ng Bulacan.
Nakuha sa mga ito ang kalahating kilo (500 grams) ng hinihinalang shabu na may standard drug price na Php 3.4 milyon.
Ayon kay Hidalgo, patuloy ang kanilang agresibong kampanya laban sa iligal na droga para mabale ang supply chain ng iligal na droga sa Central Luzon.
Posible kasing nadadala sa mga karatig na lalawigan ang mga iligal na droga na nasabat sa Bulacan.
Sa ngayon nasa kustodiya ng San Jose City Police Office ang mga suspek nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Jaymark Dagala