Matagumpay na naisagawa ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Armed Forces (USAF) ang Maritime Strike Exercise sa Laoag, Ilocos Norte kaninang umaga.
Sa naturang pagsasanay, pinaputukan ng mga barko ng Estados Unidos kasama ang Philippine Navy ang target na decommissioned BRP Lake Caliraya, gamit ang C-star anti-ship at spike missile.
Layon ng pagsasanay na itanghal ang kakayahan ng magkasanib na pwersa sa paggamit ng iba’t ibang klase ng ordnance kabilang ang missiles at precision munitions.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng kasalukuyang Balikatan 39-2024 Exercise na magtatapos sa ika-10 ng Mayo. | ulat ni Leo Sarne
📷: AFP Radio DWDD