Nakalatag na rin ang preparasyon ng Manila Electric Co. (Meralco) sa nakaambang banta ng La Niña sa bansa.
Sa QC Journalists Forum, sinabi ni MERALCO VP at Corporate Comm Head Joe Zaldarriaga na bagamat hindi magigong problema ang suplay tuwing tag-ulan ay delikado naman ang distribution backbone lalo na kung tamaan ng mga malalakas na bagyo at baha.
Dahil dito, patuloy aniyang pinatatatag ng kumpanya ang integridad ng kanilang mga pasilidad.
Nagtutulungan din aniya sa ngayon ang energy industry players para matiyak na handa ito sakali mang tumama ang matitindang bagyo.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Zaldarriaga na dahil inaasahang mas mababa ang konsumo kapag natapos na ang panahon ng tag-init ay posible ring mas mababa na ang singil sa kuryente sa panahon ng tag-ulan. | ulat ni Merry Ann Bastasa