Mga kaso ng kidnapping, bumaba sa unang 5 buwan ng taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) na bumaba ang mga kaso ng kidnapping mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay AKG Director Police Brigadier General Cosme Abrenica, para sa taong ito ay 18 kaso ng kidnapping ang iniulat pero lumabas na “hoax” lang ang siyam, kaya siyam lang ang opisyal na bilang.

Mas mababa aniya ito kumpara sa 13 insidente na naitala mula Enero hanggang Mayo noong nakaraang taon.

Sa siyam na insidente ng kidnapping ngayon taon, tatlo ang may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), habang anim na kaso ay tradisyunal na kidnapping for ransom; kung saan dalawang kaso ang “solved,” tatlo ang “cleared,” at apat ang patuloy na iniimbestigahan.

Dagdag ni Abrenica karamihan sa mga kidnap victim ay Chinese nationals sa Metro Manila.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us